Martes, Pebrero 12, 2013

banghay-aralin sa teoryang dekonstruksyon(Ed. tech 2)


Tatlong Mukha ng Kasamaan

Aralin: Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U-nu na isinalin ni                                                                          Gng. Salvascion M. Delas Alas.
Kasanayang Pampanitikan:Teoryang Dekonstruksyon

Iba pang kasanayang Nililinang: Pagkilala sa mga Simbolo na nakapaloob sa akda.

Pagpapahalaga ng Katanungan: Hindi maitatanggi na ang mabuhay dito sa mundo ay wala nang makakapantay pa sa ganda ng buhay na biyaya ng Maykapal kasabay nito ang malaya nating pamumuhay upang magawa at makamtan natin ang ating mga adhikain sa buhay. Subalit, bakit kaya dito sa mundong ibabaw marami sa salapi’y silaw at nakagagawa ng hindi  makatarungan?
Mga Layunin:                                                           
 A. Nakapagbibigay ng sariling ideya sa pinanaood na Video Clip.
 B. Naibibigay ang mga kasingkahulungan ng mga salitang naipakita sa LCD Pojector gamit ang      kanilang cellphone.
 C. Nakapagbibigay ng sariling ideya sa pinanaood   na Video Clip.
 D. Nakapagbabahagi ng sariling interpretasyon tungkol sa akdang binasa.
 E. Nakasasagot ng tanong sa pamamagitan ng Tanong- Sagot Itlog.
 F. Nasusuri ang akda batay sa Teoryang Dekontukyon.
 G. Nakagagawa ng isang Multi-Media Presentation

Mga Teknolohiyang Gagamitin: Ang mga sumusunod na teknolohiya ay kailangan para sa          pagsasagawa ng aralin:

1. Computer/ Laptop/ Desktop- na gagamitin sa panonood ng Video Clip.
2. LCD projector- para sa pagpapakita ng mga salita na bibigyan ni;la ng kasingkahulugan.                   3. Cellphone- bilang gamit sa pagpapadala ng kaukulang kasagutan sa nailahad na mga                                        salita.
4. Multi-Media Presentation- para mapagtanto ang nalinang na kaalaman at kasanayan nila.
5. Hyperlink- para sa akdang babasahin.
Rationale para sa Gagamiting 
Teknolohiya:
                  Ang mga teknolohiyang nabanggit ay gagamitin sa pagtuturo ng akdang “Tatlong Mukha ng Kasamaan” upang:
1. Mas madaling maisasagawa ang kolaborasyong guro-mag-aaral;
2. Nadedebelop ang kasanyang pampag-iisip ng mga mag-aaral;
3. Nahahasa ang kakayahan ng mag-aaral sa paggamit ng makabagong teknolohiya;
4. Nahahasa ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral; at
5. Nadaragdagan ang motibasyon ng m,ga mag-aaral sa aralin.
Pamamaraan:
Logging In
             Ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng pagkakataong mag-log-in sa naibigay na website upang mapanood ang video clip na naihanda.
              I-click lamang ang site na ito para mapanood ang video.


Kasamaan ng bansa na nadaranas ng mamamayang Pilipino: Youtube(20060921)
                                         http://kasamaangmakaPilipino.blogspot.com


Hyperlinking
              
Tatlakayin at uunawain ang video na napanood at ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang mga karanasan na maiuugnay sa video.

Data Processing
                Mapapangkat ang mga mag-aaral sa lima at magkakaroon sila ng gawain na kung saan sila ay mag-uunahan na magbigay ng mga kasingkahulugan ng mga salitang naipakita sa projector gamit ang kanilang mga cellphone.


Habang Bumabasa
                Ipapabasa ang akdang “Tatlong Mukha ng Kasamaan” na isinulat ni U Nu at isinalin ni Salvacion Delas Alas sa pamamagitan ng dalawang     grupong pagbabasa.
               Ang akda ay may tatlong kulay (asul,pula at berde) at bawat grupo ay may isang kulay na babasahin at may isang kulay naman na silang lahat ang babasa.

     


Pagkatapos Bumasa
                  Masasagawa ang talakayan gamit ang estratehiyang Tanong-Sagot-Itlog.Mabibigyan ng tig-iisang mahiwagang itlog ang walong piling mag-aaral sa pamamagitan ng makukulay na palabunutan. Pero kung ang inaakala           ng mga bumunot na sila ang sasagot sa katanungan ay hindi. May kakaiba an gating isasagawang talakayan. Ang mga walong mag-aaral na nabunot, ibibigay nila ang hawak nilang mahiwagang    itlog sa mga inaakala nilang:
               1.pinakamaganda
                2.pinakamakulit
         3.pinakamahiyain
         4.pinakamaingaling
         5.pinakakuripot
          6.pinakatalentado
          7.pinakamatalino
           8.pinaka-bossy



Paglalahat
                  Ibibigay ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng akdang binasa.

Social Networking
                  Mapapangkat ang mga mga-aaral sa apat at bawat pangkat ay gagawa ng isang multimedia presentation tungkol sa mga nangyayaring kasamaan dito sa ating mundo. Maipapaliwanag ang             mga batayan sa paggragrado ng kanilang mga gawain.Pagkatapos ng kanilang presentasyon ay pipili ng may pinakamahusay na gawain at mabibigyan ng isang gantimpala.

Narito ang mga batayan sa pagpipili ng ,mananalo.
                                                                                    Pagiging malikhain-30%
                                                                                    Presentasyon- 30%
                                                                                     Relevance 40%

Logging Out
                    Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang sanaysay tungkol sa pinakamasamang nangyari sa kanilang buhay.

Pagtataya:Narito ang mga batayan sa pagtataya ng mga mag-aaral:

                                                                                    Multimedia Presentation 25%
                                                                                   Sanaysay 25%
                                                                                    Class Participation 30%
                                                                                     Persinal Reflection 20%

Rekomendasyon: Ipapasa ang mga ginawang multimedia prsesentation na nailagay sa CD (compact disc)

Inihanda nina:  Reymund Eder
                         Ruschelle Anne T. Baltazar
                          Kristel Shaye Anne D. Saladino
                                                                        

3 komento:

  1. pwde ba acoo makahingi ng kopya nito.. pati ung mga video salamat

    TumugonBurahin
  2. pwde ba acoo makahingi ng kopya nito.. pati ung mga video salamat

    TumugonBurahin
  3. Las Vegas Casinos - JamBase
    › casino-ad-mv › casino-ad-mv Nov 9, 2021 — Nov 9, 2021 LAS 오산 출장샵 VEGAS (KTNV) 하남 출장샵 — The only places to play blackjack in 의정부 출장샵 Las Vegas casinos. Not 파주 출장마사지 all Las Vegas casino sites are legal. While many of the 과천 출장마사지

    TumugonBurahin